Hindi rin daw pwedeng maging basehan ang liham ni Speaker Alan Peter Cayetano at House Legislative Franchises Committee chair Franz Alvarez, at ang seante resolusyon para mabigyan ng pansamantalang permit ang istasyon.
“The NTC commissioners risk subjecting themselves to prosecution under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act should they issue the unlawful PAs (provisional authorities) to ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence in the absence of franchise,” banat ni SolGen Calida.
Ang mga media outlets, electric companies at cable tv operator ay nangangailangan munang makakuha ng legislative franchise bago makapagsagawa ng operasyon. Ito ay inaaprubahan sa kongreso at senado.
Magugunita ma ilang beses pinagbantaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN na haharangin niya ang franchise renewal ng kumpanya dahil hindi inere ng network ang kanyang campaign advertisement noong kampanya para sa 2016 election kahit tinanggap ng istasyon ang kanyang bayad.
May isang pagkakataon pa na sinabihan niya ang mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lang ang network.
Sa isang seante hearing, humingi ng kapatawaran si ABS-CBN President Carlo Katigbak kay Pangulong Duterte. Ito naman ay tinanggap ng Pangulo.
Source: CNN Philippines
0 Comments